Mga Kwentong Bayan Ng Mindanao
Bago tayo magsimula ano nga ba ang kwentong bayan?
Ang kwentong bayan ay mga kwento na naipasa pasa o kathang isip lamang.
May Tatlong Uri ng Kwentong Bayan:
- Mito- mga mitolohiya na nasa literatura ng mga pilipino.
- Pabula- isang uri ng kwentong bayan na ang mga tauhan ay mga hayop o bagay. Kadalasan ay may moral na aral sa kwento.
- Alamat- isang uri ng kwentong bayan kung saan kinukwento kung saan o paano nagkaroon ng ganung bagay.
1. Alamat ng Perlas sa Mindanao
Saan nangaling ang impormasyon: google
Isang binatang mangingisda ang nagkaroon ng kasintahang dalagang Muslim sa isang pook sa Mindanao noong unang panahon. Ang magkasintaha’y nagsumpaang pakakasal pagsapit nila sa ika-dalawampu’t isang taon. Limang taon pa silang maghihintay.
Tuwing sila’y mag-uusap, ipinaaalala ng isa’t isa na huwag makalimot sa sumpaan. Laging nangangako ang binata na ang dalaga lamang ang tanging pakaiibigin.
“Pinakamamahal kita Leoniza,” ang magiliw na sabi ng binata. “Ikaw lamang ang babaing iibigin ko habang buhay. Gugustuhin ko pa ang kamatayan kung hindi rin lamang ikaw ang aking magiging kapalaran.”
“Salamat, mahal ko,” natutuwang tugon ni Leoniza. “Napaka-dakila ng iyong pag-ibig. Sana’y palarin ka sa iyong paghahanap-buhay upang makapag-impok tayo para sa ating pag-iisang-dibdib. Huwag ka sanang magpapabaya sa iyong kalusugan. Mag-ingat ka sa iyong paglalayag,” dugtong pa.
“Maraming salamat, mahal ko, sa iyong mga paalaala,” tugon ng binata, sabay paalam.
Laging nagsusunuran at waiang pagkukulang ang magkasintahan sa isa’t-isa. Kapuwa sila tapat sa sumpa. Walang madilim na panginorin sa kanilang pag-ibig. Laging bukang-liwayway. Walang pagmamaliw ang kanilang pagtitinginan. Subali’t mapagbiro ang tadhana. Biglang nawala ang binata at hindi na napakita sa kanyang kasintahan.
Parang mababaliw si Leoniza. Araw at gabi’y nasa daungan upang magba-sakaling magkita sila ng kanyang minamahal. Umulan at umaraw ay nananatili siyang nag-aabang sa daungan, hanggang sa iluwal sa maliwanag ang bunga ng kanilang pagkakasala.
Naging tulala ang dalaga. Sa tuwina’y nakatayong walang kibo na animo’y isang rebulto. Walang katinag-tinag na napako ang paningin sa laot ng dagat. Minsa’y maluha, minsa’y humahalakhak. Dumating ang saglit na hindi sukat asahan. Siya’y naging isang taong-bato.
Diumano, isang araw ay nakita ng mga nagmamasid na lumuluha ng perlas ang taong-bato. Biglang lumaganap ang balita. Ang taong-bato ay dinumog ng mga tao upang sila’y manlimot ng perlas.
Isang inang dukha ang nagtiyagang naghintay ng iluluhang perlas. Kasama niya ang anak na pipituhing taong gulang. Yumakap sa rebulto ang ina’t nagmakaawa, “Bigyan mo kami ng iyong perlas.” Nang ang ina ay bumitaw sa pagkakayakap sa rebulto ay hindi niya makita ang kanyang anak. Hanap dini, hanap doon. Inabot ng dilim ang ina sa paghahanap subali’t nawalan ng saysay.
Nang magsawa ang bata sa paglalaro sa may dalampasigan, saka pa niya naalaala ang kanyang ina. Kanyang pinagbalikan at tinalunton ang kinaroroonan ng taong-bato. Hindi niya naratnan doon ang kanyang ina.
“Inay, inay, narito ako…! Saan ka naroon?” ang sigaw ng bata, tuloy yakap sa paanan ng rebulto.
Naantig ang damdamin ng taong-bato. Kanyang naalaala ang kanyang yumaong anak. Ang kanyang mga mata’y dinaluyan ng masaganang luha.
Kinabukasan, ang ina ay nagbalik sa lunan ng taong-bato. Natuklasan niyang nagkalat ang mga perlas sa paligid ng rebulto. Siya’y nanlimot ng perlas. Kinamaya-maya’y dumating ang nawalay na anak.
“Saan ka nanggaling? Kahapon pa kita hinahanap! Hanggang ngayon ikaw ay aking hihintay!”
“Akopo’y nanlimot ng kabibi. Nagbalik po ako sa rebulto, ngunit kayo’y wala na roon!”
“Bakit hindi ka umuwi sa atin?”
“Hindi ko alam ang daan sa pag-uwi. Sa bahay po ng kaibigan ko ako natulog. Ako’y kanyang ipinagsama nang makitang iyak kayo nang iyak!”
“Tulungan mo akong manlimot ng perlas. Pagkatapos ay uuwi na tayo.”
Nang malaunan ang kinatatayuan ng taong-bato ay nakarating ng talpukan ng alon. Ang rebulto ay tinangay ng alon. Ito’y napalaot sa pusod ng dagat hanggang sa nawala.
Ang luha ng dalagang nabigo sa pag-ibig ang pinagmulan ng maraming perlas sa dagat ng Mindanao.
Ang inyong nabasa ay isang alamat tungkol sa mga perlas ng Mindanao. Ngayon ay makakabasa tayo muli ng isa pang kwentong bayan.
2.Ang Alamat ng Mindanao
Si Sultan Kumpit ay isa sa mga naging pinuno ng isang malaking pulo. Siya ay matalino nguni't ang mga Muslim ay takot sa kanya dahil sa siya raw ay masungit. Ang sultan ay may kaisa-isang anak na dalaga. Ang pangalan niya ay Minda.
Si Minda ay ubod ng ganda. Dahil sa kagandahan ng prinsesa ay marami ang nanliligaw dito. Kabilang na ang mga sultan, raha, datu at prinsipe ng iba't ibang pulo. Bawat manliligaw ni Prinsesa Minda ay may kani-kaniyang katangian kung kaya't nagpasiyang magbigay ng tatlong pagsubok si Sultan Kumpit. Ang mananalo sa tatlong pagsubok na ito ang siyang mapalad na makaka-isang dibdib ng kanyang anak. Ang unang pagsubok ay kung sino ang makapagsasabi ng kasaysayan ng kanyang angkan hanggang sa ikasampung salin nito. Ang ibig sabihin nito ay kung sino at ano ang naging buhay ng ama, nuno, ama ng nuno, nuno ng nuno at mga kanunununuan hanggang sa ikasampung salin. Ang ikalawang pagsubok naman ay kinakailangang malagpasan ang kayamana ng hari upang maging daan patungo sa ikatlong pagsubok. Nguni't ang higit na mayaman ang siyang magmamay-ari ng kayamanang natalo. Marami ang nakipagsapalaran at natalo sa unang pagsubok. Isa na rin ang kilalang si Prinsipe Kinang. Siya ay nakapasa sa unang pagsubok nguni't natalo sa ikalawang pagsubok sapagkat ang kanyang tatlong tiklis na ginto ay nahigitan ng apat natiklis na ginto ng hari. Lalong yumaman si Sultan Kumpit. Alam ng lahat na marami pang ginto si Sultan Kumpit at ngayon nga ay nadagdagan pa ng tatlong tiklis na tinalo kay Prinsipe Kinang. Isang matalinong prinsipe ang nais na sumubok. Ngunit bago niya ito gawin ay nag-isip siyang ma buti kung papaano niya matatalo ang kayamanan ng Sultan. Nanghiram siya ng ginto sa kanyang mga kaibigang maharlika hanggang sa makatipon siya ng labintatlong tiklis ng ginto. Nagbihis at nag-ayos ng buong kakisigan si Prinsipe Lanao. Una niyang nakausap si Prinsesa Minda. Sa unang pagkikita pa lamang ay sumang-ayon agad ang prinsesa sa binatang prinsipe. Lihim na natuwa ang puso ni Prinsipe Lanao sapagkat nasiguro niyang may pagtingin din sa kanya Prinsesa. "O, ano ang masasabi mo sa iyong angkan?" ang unang pagsubok ng sultan kay Lanao. Mabilis na isinalaysay ni Lanao ang kanyang lahi ngunit muntik na itong mabuko sa ikasampung salin. Nakaisip siya ng pangalan at nag-imbanto ng kagitingan nito. Laking pasasalamat niya nang siya ay makapasa sa unang pagsubok. Sa ikalawang pagsubok ay, "Ilang tiklis na ginto ang dala mo, Mayroon akong pito, iyon ba ay iyong mahihigitan? ang pagmamalaking tanong ng sultan. "Mayroon akong labintatlong tiklis ng ginto rito ngayon nguni't kung kulang pa ito ay handa akong, ilabas ang mga nakatago pa sa aming kaharian," ang tugon ni Prinsipe Lanao. "Hindi na bale, iyo na ang pitong tiklis ko. Ganito naman ang ikatlong pagsubok. Ikaw ay tutulay sa isang lubid sa may malalim na bangin. Pag ito'y nagawa mo ay ikakasal kayo ng aking mahal na prinsesa sa pagbibilog ng buwan," ang sabi ng sultan. "Ang ikatlong pagsubok ay kinabukasan na natin itutuloy." Umalis si Lanao napunong-puno ng pag-asa. Nagsanay siyang tumulay sa baging na sampayan. Ngunit lingid sa kanya ay may masama palang balak ang sultan sa pagtulay niya sa lubid. Natunugan ito ni Minda at laki ng kanyang pag-ibig sa binata ay gumawa siya ng paraan. Inutusan niya ang kanyang katulong na putulin ang matibay at manipis na sinulid na nakakabit sa tulay na tatawiran ni Lanao. Ang sinulid palang ito ay hahatakin upang malaglag sa bangin si Lanao. Mabilis na natupad ang ipinag-utos ni Minda sa kanyang katulong. Kinabukasan ay maluwalhating nakatawid si Lanao sa lubid at ang kanilang kasal ni Prinsesa Minda ay naganap. Namuno ang mag-asawa sa kaharian ni Sultan Kumpit. Dahil sa kabaitan ay napamahal sa mga tao ang dalawa kaya't ang malaking pulong iyon ay pinangalanang Minda-Lanao na di nagtagal ay naging "Mindanao." Ang iyo pong nabasa ay isa nanamang alamat. Ang alamat po nito ay tungkol sa mindanao. Ngayon po mababasa na natin ang huli nating kwentong bayan. Ito po ay isang alamat tungkol sa Bundok Pinto. 3. Ang Alamat ng Bundok Pinto Labis na nakamamangha at napakahiwaga ang tungkol sa yungib. Ito ay pinanirahan ng mga supernatural na nilikha tulad ng mga diwata at reyna na pinaniniwalaang lumitaw nuong unang panahon. Sila ang pinaniniwalaang magagandang nilikha ng diyos na may napakaraming aria-arian tulad ng iba’t ibang uri ng mga alahas. Mayroon din silang mga bagay-bagay na yari sa tanso tulad ng mga agong (gongs), mga kulintang, mga gandingan at iba pang mga bagay-bagay na may kaugnayan o kabilang sa kumpletong mga instrumentong musikal na yari sa tanso. Ang mga sinaunang nanirahan sa nayon ay maingat na nagmatyag at malapitang sinaksihan ang mga pambihirang gawi at mga kakatwang gawain ng mga kakaibang naninirahan sa yungib. Napuna ng mga taga-nayon na tuwing maaliwalas na mga gabi ay nagkakaroon ng pambihirang kasayahan sa bundok. Ang malamyos na musikang likha ng mga instrumentong musikal ay maririnig mula sa bunganga ng yungib. Mapagkikilalang ang musika ay likha ng kagamitang musikal na yagi sa tanso. Sa katahimikan ng gabi, ang musikang nagmumula sa bundok Pinto ay nakapagdudulot ng tunay na kasiyahan at kaligayahan sa mga naninirahan malapit sa bundok. Ang gayong kakaiba at kamangha-manghang nakaaaliw at masasayang pangyayari ay nagtagal at nagpatuloy ng maraming mga taon. May pagkakataon pang ang ilang malalakas ang loob na lalaki ay di pa nasiyahan sa pakikinig lamang ng nakaaaliw na matamis at masarap pakinggang tugtuging idinudulot sa mga tao ng mga supernatural na nilikha. Isang gabi, tatlong mapangahas na lalaki ang sumubok na lumapit sa yungib ng bundok. Sila’y dahan-dahan at tahimik na gumapang hanggang sa makarating sa pinakamainam na lugar malapit sa bunganga ng yungib at doo’y nagkubli ng ilang sandali. Ano ang kanilang nakita? Sila’y buong kapanabikang nangabigla nang makita ang mga kaibig-ibig tingnang mga nilalang na tumutugtug gamit ang mga intrumentong musikal na yari sa magagaang kawayan na makinis ang pagkayari. Sa pinakaloob na bahagi ng yungib, ang ibang mga reyna ay buong kasiyahang tumutugtog gamit ang mga kulintang, agong, gandingan at iba pang mga instrumento. Nang maramdaman nilang may mga tao sa di kalayuan, kaagad silang napatugil sa pagtugtog. Madali nilang nalamang may tao sa paligid dahil sa kanilang matalas na pang-amoy. Ang mayuyumi, magaganda at kabigha-bighaning mga nakababatang diwata at reyna ay biglang naglaho. Nahintakutan sila sa pagdating ng mga tatlong kalalakihan. Ang mga nakatatandang mga diwata at reyna lamang ang nanatili roon ngunit di kumikibo at nakamasid lamang. Naumid naman ang tatlong lalaki at di malaman ang sasabihin ng makita nang harapan ang mga mga kabigha-bighaning nilalang. |
Luhhhh
ReplyDeleteLuh anong tinitingin mo d'yan...gusto mo? luh asa ka umalis ka nga d'yan!
DeletePapasok ba si ma'am?
May P.E. ba ngayon?
Sumbat nanaman?
Ugghh kairita!
May pulbos ba diyan?
Ahhhhhhhhh wala
Sir sumakit ang tiyan ko kumain ako ng fishbol na isinawsaw sa hugasan nga sandok...Po!? Totoo nga po! Po...Salamat master☺️🙄
hahahahahahhahaha
Deleteluuuuuuuh
Deletenag titiktok
Deletekigwa mo oip
DeleteLuhhh luhhh luhhh luhhh luhhh mok luhluhmok lamok lahmok luhmok luhhhhlalalalalalaluhluhmok lalamok
DeleteWhat The Heck Is wrong with you
DeleteHindi ka welcome dito promise nagsasabi ako ng totoo
DeleteLuuhhh
ReplyDeleteluhhhhhh
ReplyDeleteluhhh
ReplyDeleteLuhh
ReplyDeleteikaw din (punta sa itaas to know what I mean)
DeleteLuhhhhh
ReplyDeletelagi ka mag spam ng ✌ "luhh" ✌ parang ikaw ang Hari/Reyna dito
DeleteLuhhhh
ReplyDeleteLuhhhh
ReplyDeleteluhh
ReplyDeleteGinagawa nyo
DeletePuki friends
Deletealam mo parang ka isang "Karen" kasi ang ugali sa Karen ay parehas sa inyo I'm sorry for commenting this but I'm not framing o cyberbullying kasi walang ginawa ang site na to. What if ma report ka? di ko yan offense kasi itong site ay tungkol sa pilipinas. Oo nakita nyo ang sinabi ko tungkol sa Pilipinas! isang hater ka ba? wag ka nalang magtagalog dyan kung hindi isang Pilipino/Pilipina. Please wag nalang i-frame ang site 'to kasi helpful ito sa studies natin at may nalaman tayo. So pls wag
Delete(Kasi luhh yung spam mo and other mean things at huwag magsasabi ng "puki friends" kasi ang english o ibig sabihin ay isang "Vagina" search mo sa Mr. Gulo Gulo kasi Gulo ka. Wala kang respeto.)
okiii
ReplyDeleteluh
ReplyDeleteLuh
ReplyDeleteLuh
ReplyDeleteluhhh
ReplyDeleteNice
ReplyDeleteThank you po
ReplyDeletenakatulong po ito sa aking
modules at pagaaral po
sana lahat masipag.
DeleteLUUUUUUUHHHHHU
ReplyDeleteHuh hakdog
DeleteLuh
ReplyDeleteVery nice story
ReplyDeleteHAHAHAHA
DeleteAlin po dito ang kwentong mindanao?
ReplyDeleteMaria makiling
Malaks at maganda
Isang aral para sa sultan
Ang batik ng buwan
Si juan tamd
LUUUUUHHHHHHH
DeleteHaha
ReplyDeleteLuuuuhhhhh
ReplyDeleteluhh
ReplyDeleteluhhhh asa ka
ReplyDeleteTungkol po sa alamat ng Perlas,maganda po ang mga kwento ng Mindanao
ReplyDeletetiktoker
ReplyDeleteano pong aral sa alamat ng bundok pito?
ReplyDeleteAng sayang basahin
ReplyDeleteLike an echo in the forest~
ReplyDeleteDu harutdu naragatchi like an arrow in the blue sky yeaaah life goes on!💜
Deletehahaha
ReplyDeletewow
ReplyDeleteluh
ReplyDeleteyou
ReplyDeleteHam and cheese
Deletethank you nakatulong po ito sa module ko salamat master
ReplyDeleteHahahah
ReplyDeleteLuhhhhhhh okiii
ReplyDeleteEh
ReplyDeleteKrazy people nag tiktok na
ReplyDeleteAHAHAHAHAAH
Deleteay nako
DeleteLUHH
ReplyDeleteLuhhhhh?
ReplyDeleteHAHAHAHAHAHAH
ReplyDeleteHahH
ReplyDeleteAng ganda nang mga kwento na antig talaga ako nang sobra....
ReplyDeleteluhhhhhh
ReplyDeleteLuhhh
ReplyDeleteLuhhhh
ReplyDeleteHindi po English ang original language ko pero I'm from Philippines
ReplyDelete